Bakit Mas Praktikal Kumain sa Karinderya o Gumamit ng Easy Meals Kung Mag-isa Ka Lang sa Dorm
Kapag mag-isa ka lang sa dorm, minsan naiisip mo rin na magluto para makatipid, diba? Pero alam mo bang mas tipid at praktikal pa rin kumain sa karinderya o gumamit ng easy-to-prepare meals, lalo na kung solo ka lang? Let me explain.
Cooking is Cheaper... Pero Depende!
Tama naman, mas mura talaga magluto kung pang-marami. For example, cooking adobo is cheaper if you make 10 servings dahil sa mga ingredients like oil, soy sauce, vinegar, bay leaves, pepper, garlic, and onion na aabot lang ng ₱40 per serving—kasama pa ang gas na ₱15 per serving. Sounds good, diba? Pero wait, wala pa dito yung baboy!
Ngayon, isipin mo to: hindi ka naman puwedeng pumunta sa grocery at bumili ng isang kutsarang mantika lang o isang kutsarita ng toyo. Kailangan mong bumili ng malaking bote o pakete, so gagastos ka ng halos ₱300 para lang sa isang boteng mantika, vinegar, soy sauce, at ilang sibuyas. So, kung mag-isa ka lang at isang serving lang lulutuin mo, hindi praktikal, bes!
Mas Cost-Effective at Convenient na Options
Kung mag-isa ka lang sa dorm, bakit pa mag-aaksaya ng oras, effort, at pera sa pagluluto kung puwede ka naman kumain sa karinderya o gumamit ng easy meals?
- Karinderya Meals
Ang rice sa karinderya ay super affordable—₱10 hanggang ₱15 per serving lang. I-pair mo na lang ito sa easy, no-cook options tulad ng:
-
- Canned Tuna, Sardines, Mackerel, o Bangus: Bukas lata, kain agad.
- Hot Water Dispenser Meals
Kung may hot water dispenser sa dorm, maraming mabilisang meals kang puwedeng gawin:
-
- Instant Sopas, Cup Noodles, o Pancit Canton
- Boiled Eggs: Lutong-luto in about 12 minutes.
- Kangkong: Blanched in hot water in 5 minutes.
- Canned Tuna or Sardines: ₱20 – ₱40 per serving
Mas Sulit, Mas Tipid!
At the end of the day, kung mag-isa ka lang sa dorm, mas sulit at tipid ang kumain sa karinderya o maghanda ng easy-to-prepare meals gamit ang hot water. Hindi mo na kailangan mag-alala kung may ref ka ba o kung may magagamit ba ng iba yung mga ingredients mo. Plus, less hassle, less gastos, more savings!
So, next time na magugutom ka, alam mo na—karinderya or easy meals na lang para sa ‘yo, bes!
